Saturday, January 24, 2009

Bakit Blogging-Ganito?!

Masaya ako sa pagsusulat-sa papel, sa pader, at dito sa aking ika pitong blog account;
Pero, 'di ako masaya sa aking buhay. Hindi.

Kailan kaya mabibigyan ng tuldok ang buhay kong puno ng hirap at pasakit?

Lagi nga namin sinasabi ng aking kaibigang si Bibs, "ganyan talaga ang buhay". At minsan pa nga'y sabay naming kinakanta ito-kahit ang boses ko'y parang tunog ng isang lata na gamit pangsulat sa blakbord.

Bakit laging ganito?

No comments: